Saturday, March 10, 2012

KILIG HAYSKUL...

Isang umaga sa mga unang linggo ng Marso kung kailan papatapos na ang klase at habang sumisilay pa lamang ang malanding sikat ng umagang araw ay nasaksihan ko ang isang pangyayaring bumuhay sa mga natutulog na dugo at kalamnan ng sambayanan!

Maaga akong gumising nang araw na iyon , hindi ako nakapagkape sapagkat ayaw kong mahuli sa pagpasok pero pagdating ko sa Classroom ay tila na overdose ako sa aking natunghayan at buhay na buhay na ang aking diwa. Hindi na kailangan ang caffeine, tsokolate o kung ano pa mang pampagising! Ang eksenang itoý punong-puno ng nikotinang nakalalason sa pandama.

Nagsimula ang lahat sa isang tuksuhan sa klase. Actually, para lang may magawa kami maliban sa pag-aaral. Hindi naman namin aakalaing magkakatotoo ang lahat at seseryosohin ng bawat isa ang naturang biruan. Hindi ko inaakalaang makakayang gawin ng isang lalakeng mukhang bata ang mga nagawa niya sa kanyang kaklase!

Pagpasok ko sa silid ay natunghayan ko ang isang upuang may mga tsokolateng nakahugis puso, napapalibutan ng mga sticky notes na kinasusulatan ng mga mensahe at dalawang pirasong bulaklak. Ang malupit pa nito, kakontsaba ang mga kaklase sa paghahanda. Ang plano pala ay sosorpresahin ni lalake si babae  ng umagang  iyon.

May isang kaklase ang tumatawag sa babae upang tanungin kung nasaan na ito upang mapaghandaan ang pagdating niya. Ang iba naman ay abala sa choreography  kung anong gagawin pagpasok ni girl. Habang si guy naman ay halatang kinakabahan kung magtatagumpay ba sa kanyang plano.

Pagdating nga ni girl, isang romantikong awitin ang kinanta ng mga kaklase at kasabay ay ang paglabas ni guy na bitbit ang mga bulaklak at binigay ito kay girl. Ang haba lang ng buhok ni girl, naapakan ng iba pang tao sa paaralan kaya nagsipuntahan sa silid at naki usyoso! Si girl ay hindi alam kung paano magrere-act, halatang nasorpresa nga. Si guy naman ay matapang na sinusod ang napagkasunduang plano.

 Lahat kinilig at umugong ang malakas na hiyawan na sinundan ng mas malakas na tunog ng bell. Nagsibalikan sa klase ang mga atribida, nagsipaghanda ang lahat, nagdasal at parang wala lang nangyari at nagsimula ang klase. Lumamig man ang kape kong tinimpla, buhay na buhay naman ang aking diwa! Tunay ngang walang kapantay ang kilig sa hayskul layf!


2 comments:

  1. ang cute naman nila sir! <3 high school love nga naman :>

    ReplyDelete
    Replies
    1. yeah...highschool kilig ay walang kapantay!

      Delete